Ang Naliligaw by Maningning Miclat


Naliligaw ako sa paglalakbay,

Naliligaw sa kahahanap,

Naliligaw at hindi malaman

kung paano ba makabalik sa Oxford Street.


Naliligaw sa pamamasyal,

Hindi maintindihan ang mapa,

Hindi malaman kung bakit

Nandirito na naman sa Charing Cross.


Kaya umupo na lang sa Trafalgar Square,

Namulot ng balahibo ng kalapati,

Pero tinapon rin dahil mukhang marumi,

Mukhang maalikabok ang pakpak na nahuli.


Umikot na lang sa paligid,

Pinanood ang gusali,

Pinag-aralan ang kilos ng ibang turista,

Umikot at nag-isip, at naisip kita.


Naisip kita at inisip kita,

At bumalik ako sa National Gallery

Pumunta sa West Wing,

At doon, tumulala ako.


Naliligaw sa kalalakad,

na parang isang feather ng pakpak,

na hindi na makabalik sa ulap,

at hindi na makasama sa paglipad.


Buti na lang naisip ka

sa aking pagkaligaw,

Iniisip na mapapansin mo

ang ulap sa ‘yong paglalakbay.


At ninais na isipin ka

habang nakatulala kay Titian,

kay Bronzino at kay Michaelangelo,

at pinili kong isipin ka.


Pinili kong isipin ka,

sa paglalakbay at sa pagkaligaw.

Sa paghahanap ay nadarama ko:

Mahal, mahal na mahal kita.

ning
Advertisements

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s