Lagi Kong Maaalala (Raw with Love by Charles Bukowski)


maliit na babaeng may matatalim na mata

pagdating ng panahon upang gamitin ang kutsilyo

hindi ako tatalikod at hindi kita sisisihin

sa paglakbay sa kahabaan ng baybayin na nagiisa,

sa pagwagayway ng mga puno,

ang mga pangit at mabigat na mga puno

at ang mga patay ay hindi na umalis,

hindi kita sisisihin.

Sa halip

Hindi ko makakalimutan ang mga halik

ng mga labi nating puno ng pagmamahal

kung paano mo binigay sa akin

ang kabuuan ng iyong sarili

at kung paano ko binuhos sa iyo

ang kung ano pa mang natitira sa akin

at lagi kong maaalala ang maliit mong kwarto

ang iyong mukha na nasisinagan ng ilaw

na nagmumula sa iyong bintana

mga kantang iyong pinapatugtog

ang mga librong iyong binabasa

ang mga mainit na kape sa ating umaga

ang ating mga hapon, ating mga gabi

mga katawang naghahalo sa dlim

ang marahang pagdaloy ng hangin

nagmamadali at walang hanggan

ang tuhod mo ay tuhod ko rin

ang balikat mo ay balikat ko rin

ang iyong mga ngiti at ang iyong pagmamahal

na nagturo sa akin kung paano tumawa muli.

Maliit na babaeng may matatalim na mata

wala kang kutsilyo. Ang kutsilyo ay nasa akin

at hindi ko ito gagamitin pa.

 

Filipino translation by Yvva Svhovan

September 18, 2012

Advertisements

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s